SANGGUNIANG PANLALAWIGAN, HILING NA IKONSIDERA ANG PAGGAMIT NG HELMET AT FACE MASK SA MGA MOTORCYCLE DRIVER AT BACKRIDERS SA PALAWAN IMBES NA MAGLAGAY NG BARRIER

Blog Single

Sa iniakdang resolusyon ni Board Member Ryan Maminta na inihain sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan kahapon, Hulyo 21, 2020, hinihiling nito sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ikonsidera ang paggamit ng helmet at face mask ng mga backriders at drivers ng motorsiklo imbes na maglagay pa ng motorcycle barrier na nais ng National IATF.

Ayon kay BM Maminta, hindi umano ligtas na maglagay ng barrier sa pagitan ng driver at angkas nito. Ang pagsusuot ng face mask at helmet ay sapat na bilang pagsunod sa health protocol.

"We are very grateful to the National IATF-EID for lifting the ban on the backriding. However, seeing the situation here in the Province of Palawan, wherein the majority of our constituents are motorcycle riders going to and from to their works or homes, nakikita po natin na parang mas akma na instead of putting a barrier that will cost certain amount of P1,000-P2,000 and with some safety concerns on putting up the barriers on the motorcycle, baka pwedeng ma-consider ng National IATF, baka pwedeng i-allow ang backrider using helmet with face mask... "

Dagdag pa ni BM Maminta na hindi na kailangan ang barrier dahil base sa inilabas na guidelines, ang pinapayagan naman sa pag-angkas ay mga mag-asawa o magkapamilya na naninirahan sa iisang bahay.

Nagbigay naman nang pagsuporta ang konseho sa akdang resolusyon.

"It is dangerous and inconvenient para sa ating mga motorista, dahil maari pa itong magdulot ng disgrasya, delikado yung prototype na gusto nilang ilagay...", dagdag ni BM Ponce de Leon.

Ayon naman kay BM Benedito, dapat na ikonsidera rin ang dagdag gastos ng may-ari ng motorsiklo sa pagbili ng barrier lalo't mayroong kinakaharap na pandemya.