TOURISM :

EVENTS



BAGONG HEAVY EQUIPMENT NG KAPITOLYO, DUMATING NA

                                                                IMG_6105

                                                                        BAGONG HEAVY EQUIPMENT NG KAPITOLYO BINASBASAN

Binabasbasan ni Reb. Padre Juan Felipe Torrecampo ang mga bagong heavy equipment na binili ng pamahalaang panlalawigan para sa pagsasaayos at konstruksyon ng mga panlalawigang kalsada. Kasama ng pari sa pagbabasbas ay si Provincial Engineer Renato Abrina.


               IMG_6114
              IMG_6117

                                                                           BAGONG HEAVY EQUIPMENT NG KAPITOLYO BINASBASAN

Binabasbasan ni Reb. Padre Juan Felipe Torrecampo ang mga bagong heavy equipment na binili ng pamahalaang panlalawigan upang gamitin sa pagsasaayos ng mga kalsadang minamantini ng Provincial Engineering Office. Ang mga heavy equipment ay kinabibilangan ng tatlong motor grader at dalawang pison. Lima pang heavy equipment ang inaantay na madeliver sa Pamahalaang Panlalawigan. Ang blessing ng mga kagamitan ay sinaksihan nina Provincial Administrator Atty. Elena Rodriguez at Provincial Engineer Renato Abrina.


               IMG_6105               IMG_6335

                                  PALAWAN PROV’L GOV’T ACQUIRES NEW HEAVY EQUIPMENT                                        FIVE NEW UNITS OF HEAVY EQUIPMENT ARRIVE AT PALAWAN CAPITOL

Five out of ten units of heavy equipment acquired by the Palawan Provincial Government to fast track road maintenance projects under the Provincial Engineering Office arrived recently at the Capitol. Rev. Father Juan Felipe Torrecampo officiated the blessing of the new units of heavy equipment that included three motor graders and two bulldozers. In attendance at the ceremony are Provincial Administrator Atty. Elena V. Rodriguez and Provincial Engineer Renato Abrina.

Gov. Baham Mitra talks to the operator of the bulldozer, one of five units of heavy equipment that arrived recently at the Provincial Capitol of Palawan. Shown with the Governor is Provincial Engineer Renato Abrina who explained that five more units are expected to arrive at the Capitol, thereby completing the ten units newly acquired by the Provincial Government to fast track the repair and maintenance of provincial roads.



               IMG_6332               IMG_633

                                                                           GOV. BAHAM INSPECTS NEW UNITS OF HEAVY EQUIPMENT

Five out of ten units of heavy equipment acquired by the Palawan Provincial Government to fast track road maintenance projects under the Provincial Engineering Office arrived recently at the Capitol. Rev. Father Juan Felipe Torrecampo officiated the blessing of the new units of heavy equipment that included three motor graders and two bulldozers. In attendance at the ceremony are Provincial Administrator Atty. Elena V. Rodriguez and Provincial Engineer Renato Abrina.


                                                                IMG_6120

                                                  GOV. BAHAM ORDERS IMMEDIATE DEPLOYMENT OF NEW UNITS OF HEAVY EQUIPMENT

Temporarily parked in front of the Palawan Provincial Capitol are the new units of heavy equipment acquired through the Provincial Engineering Office. A Catholic priest officiated the blessing of the heavy equipment prior to its deployment in municipalities where provincial roads have to be maintained. The new units include three motor graders and two bulldozers. Five more units are expected to arrive soon at the Capitol. Gov. Baham Mitra ordered the Provincial Engineering Office to immediately commence with the repair and maintenance of provincial roads while the province is enjoying fine weather.


MAKULAY AT MASIGLANG PAGDIRIWANG NG INTERNATIONAL WOMEN’S DAY SA KAPITOLYO

Naging makulay at masigla ang selebrasyon ng International Women’s Day ng mga empleyadong kababaihan ng Pamahalaang Panlalawigan noong ika-8 ng Marso sa Kapitolyo.

Ipinarada ng mga kababaihang empleyado ng Kapitolyo ang pambansang kasuotan ng mga bansa mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa isang programang inihanda ng Provincial Gender and Development o PGAD Focal Point.

Sa naunang operasyon ay nasakote ng grupo ang isang lantsa na may pangalang M/L Analiza na may lulang isandaan at apatnapung piraso ng tablon sa may bahagi ng Barangay Sapa sa nasabi ring munisipyo.

Sa kanyang pambungad na pananalita, pinasalamatan ni Gng. Norma Arrieta, Asst. Provincial Budget Officer at tumatayong chairperson ng PGAD Focal Point ang pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gob. Baham Mitra at Bise-Gob. Fems Reyes gayon din ang bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan sa patuloy na pagsuporta at pagtataguyod ng pantay na pagtingin sa mga kababaihang empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan.

Binati naman ni DILG Provincial Director Mario Daquer ang mga kababaihang empleyado sa pagdiriwang ng Araw ng Kababaihan. Sa kanyang ibinigay na mensahe, tinuran niya na malaki ang ginagampanang papel ng kababaihan sa pag-usad ng kaunlaran ng ating bayan. Inihalimbawa niya ang malaking partisipasyon ng kababaihan sa pamahalaan sa pangunguna ni Bise-Gob. Fems Reyes na itinuturing na kauna-unahang babaeng bise-gobernador ng Palawan gayon din ang mga naihalal na mga babaeng alkalde mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan at mga itinalagang babaeng department heads sa mga tanggapan sa Pamahalaang Panlalawigan.

Sa mensahe naman na ipinaabot ni Bise-Gob. Reyes na binasa ni Gng Angela Peña, Secretary to the Sanggunian, dalawang punto ang kanyang binigyang diin. Ito ay ang katatagan ng loob at matibay na pananampalatay sa Diyos upang mapagtagumpayan ang mga problemang kinakaharap ng mga kababaihan.

Samantala, nagbigay naman ng personal na mensahe si Provincial Legal Officer Atty. Winston Gonzales bilang kinatawan Gob. Baham Mitra sa naturang okasyon. Sa kanyang mensahe, binigyan diin niya ang mahalagang papel ng kababaihan sa pagpapanatiling buo ng pamilya. Binigyang pugay din niya ang kanyang ina sa kanyang katatagan at pagpupunyagi na mapagaral silang lahat na magkakapatid.

Ang mga aktibidad ng PGAD para sa selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan ay magtatagal hanggang sa ika-22 ng Marso, taong kasalukuyan. Ito ay kapapalooban ng mga sumusunod na aktibidad: Diabetes Screening sa Marso 15; Libreng bisita sa Palawan Heritage Museum mula Marso 7-22; Libreng Urinalysis mula Marso 11-15; at mga symposia tulad ng Tourism Awareness at Rabies Awareness Campaign sa Marso 11; Meat Processing Demonstration at Power Dressing sa Marso 13; Reproductive Health, Kidney Health and Gender Sensitive Communication sa Marso 15; Woman and Change sa Marso 20; at Violence Against Women and Children at Kasambahay Law sa Marso 22.



HUMIGIT-KUMULANG 5,000 BD FT NG TABLON, NASAKOTE NG KSK SA BAYAN NG BATARAZA

Umaabot sa humigit-kumulang limang libong board feet ng tablon ang nasakote ng grupo ng Kilusan Sagip Kalikasan (KSK) South Operatives katuwang ang Navforwest at Philippine Coast Guard noong ika-2 ng Marso, taong kasalukuyan sa may bahagi ng Malitub River sa Barangay Malitub, bayan ng Bataraza na hinihinalang loading point ng mga kahoy na ibinibiyahe palabas ng lalawigan.

Ang naturang operasyon ay bunsod na rin nang patuloy na isinagawang follow-up operation ng mga nabanggit na ahensiya dahil ayon sa kanilang impormante ay mayroon pang natitirang mga tablon na nakatakdang ibiyahe palabas ng lalawigan matapos ang naunang operasyon na kanilang isinagawa noong buwan ng Enero.

Sa naunang operasyon ay nasakote ng grupo ang isang lantsa na may pangalang M/L Analiza na may lulang isandaan at apatnapung piraso ng tablon sa may bahagi ng Barangay Sapa sa nasabi ring munisipyo.

Matapos nga ang ilang linggong surveillance, naging positibo ang isinagawang operasyon ng grupo nang masabat nila ang pitumpu’t dalawang piraso ng tablon na lulan ng isang balsa na iluluwas nanaman sana palabas ng lalawigan.

Sa imbestigasyong isinagawa ng grupo, umaabot diumano sa P141, 932.00 ang market value ng mga naturang kahoy. Base diumano sa kanilang impormasyon, ang mga nasakoteng tablon ay maaaring bahagi ng mga kahoy na una nilang nasakote.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng grupo upang matukoy ang responsable at nagmamay-ari ng mga nakumpiskang tablon na maaaring nakatunog diumano sa gagawing operasyon kung kaya’t iniwan na lamang ang mga kahoy na abandonado sa lugar.

Pansamantala namang nasa sa kustodiya sa tanggapan ng Philippine Coast Guard sa Bgy. Rio Tuba sa munisipyo ng Bataraza ang mga nasabing tablon.



                                                                IMG_1910

                                                                              SOLAR HOME SYSTEM PARA SA BULILUYAN, BATARAZA

Ang magkapatid na Gob. Baham Mitra at Capt. Monmon Mitra habang ipinagkakaloob ang solar home system unit kay Barangay Kapitan Khaizar Abdulkarim ng barangay Buliluyan, Bataraza na sinaksihan ng iba pang benepisyaryo ng programa. Ayon kay Engr. Marcaida ng Housing and Basic Utilities Program bg Pamahalaang Panlalawigan, 75 solar home system units at limang streetlights ang nakalaan para sa mga benepisyaryong kabahayan sa barangay.


               IMG_4826
              IMG_0344

                 SOLAR HOME SYSTEM MULA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN PARA SA                                GOB. BAHAM IPINAMAHAGI SOLAR HOME SYSTEM PARA SA RIZAL, ROXAS
                 BUBUSAWIN, ABORLAN

Tinatanggap nina Kagawad Elmer Balladares, Nestor Riva at Dindo Cortez ng Barangay Bubusawin, Aborlan mula kay Gob. Baham Mitra ang Solar home system unit. Sinaksihan din ito ni Housing and Basic Utilities Program Head Engr. Aireen Marcaida ng pamahalaang panlalawigan.

Tinatanggap nina Kagawad Elmer Balladares, Nestor Riva at Dindo Cortez ng Barangay Bubusawin, Aborlan mula kay Gob. Baham Mitra ang Solar home system unit. Sinaksihan din ito ni Housing and Basic Utilities Program Head Engr. Aireen Marcaida ng pamahalaang panlalawigan.



               IMG_0392               IMG_1803

                               SOLAR HOME SYSTEM PARA SA BAGUMBAYAN, ROXAS                                              SOLAR HOME SYSTEM ISINALIN NI GOB. BAHAM PARA SA BARANGAY TARATAK,
                                                                                                                                                                          BATARAZA

Masiglang tinanggap ni Barangay Kapitan Armando Rios ng Bagumbayan, Roxas ang solar panel mula kay Gob. Baham Mitra sa turn-over ceremony na hudyat ng pagkakaloob ng 75 solar home systems unit kasama ang limang streetlights para sa mga kabahayan sa naturang barangay. Nasa larawan din si Board Member Rolando Bonoan, Jr. (dulong kaliwa)at si Engr. Aireen Marcaida ng Housing and Basic Utilities Program ng Provincial Government at BM Roseller “Toto” Pineda (dulong kanan.)

Si Gob. Baham Mitra habang inaabot kay Barangay Kapitan Musa Yusah ng Barangay Taratak, Bataraza ang solar panel. Nasa larawan si (kaliwa) Belen Abordo, Ariston Arzaga, Board Member Rolando Bonoan, Jr., Rolando Mozo, Capt. Monmon Mitra, (nasa likurang bahagi) at Board Member Sharon Abiog-Onda (gitna). Layunin ng programa na matugunan ang pangangailangan sa elektrisidad sa mga lugar na malayo sa pinagkukunan ng kuryente gamit ang solar home system.



GOB. BAHAM NAMAHAGI NG MASIGLANG KABUHAYAN NA MGA TINDAHAN AT TULONG KAPITAL

                                                                IMG_1758


Kasama ni Gob. Baham Mitra at ni Gng. Norma Medina ng Provincial Social Welfare and Development Office ang representante ng benepisyaryo ng Masiglang Kabuhayan program sa Rio Tuba, Bataraza. Layunin ng programa na matulungan ang mga maliliit na negosyante sa iba’t ibang bayan sa norte at sur ng lalawigan sa pamamagitan ng tindahan at tulong kapital na tatlong libong piso. Umabot sa 96 ang mga benepisyaryo ng programa. Kasama ni Gob. Baham si Board Member Rolando E. Bonoan, Jr. (panglima sa kanan), Kapt. Monmon Mitra (sa harap), at mga kasamahan ni Gob. Baham sa Team Palawan na si Toyts Mozo ng Quezon, dating Board Member Belen Abordo at (pangalawa sa kaliwa) si Ariston Arzaga.


               IMG_0764
              IMG_0767

                                 MASIGLANG KABUHAYAN PROJECT                                  BENEPISYARYO NG MASIGLANG KABUHAYAN PROJECT SA ABORLAN

Inaabot ni Gob. Baham Mitra kay Gng. Gloria Barabad ng bayan ng Aborlan ang tulong kapital na P3,000 at ang Masiglang Kabuhayan na tindahan sa isang seremonya na ginanap kamakailan. Layunin ng Masiglang Kabuhayan program na matulungan ang mga maliliit na nagnenegosyo sa mga munisipyo sa pamamagitan ng tulong kapital at tindahan. Makikita sa kanan ang pangulo ng ABC Federation ng Aborlan, Punong Barangay Bobby Peneyra, Sangguniang Bayan member Marissa Zumarraga, Ms Amie Dolor ng Provincial Social Welfare and Development Office, ang iba pang mga benepisyaryo ng programa at si G. Richard Rebote, Provincial PESO Manager.

Makikita sa larawan si Gov. Baham Mitra kasama ang pitong benepisyaryo ng Masiglang Kabuhayan project sa bayan ng Aborlan. Ang mga benepisyaryo ay tumanggap ng Masiglang Kabuhayan na tindahan at tulong puhunan na nagkakahalaga ng tatlong libong piso. Ang pagsasalin ng mga tindahan sa mga benepisyaryo ay sinaksihan ng pangulo ng mga barangay kapitan ng Aborlan na si Bobby Peneyra, Sangguniang Bayan member Marissa Zumarraga, at Provincial PESO manager Richard Rebote.



GOB. BAHAM PATULOY PA RIN ANG PAMAMAHAGI NG MGA NEGO-KART SA ILALIM NG METRABAHO PROGRAM

Napag-alaman kay G. Richard Rebote, Provincial PESO Manager na muling namahagi ng Nego-kart ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gobernador Baham Mitra. Anim na nego-kart ang ipinamahagi noong ika-5 ng Marso sa Barangay Magara sa bayan ng Roxas at limang nego-kart ang ibinigay sa mga benepisyaryo ngayong ika-6 ng Marso sa Barangay Kuwatro ng nabanggit na bayan. Kasama ni Gob. Baham sa aktibidad sina Board Member Boy Bonoan, BM Winston Arzaga at BM Toto Pineda.

Katulad din ng mga nakaraan, ang mga benepisyaryo ng programang ito, ay pinagkalooban ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng dalawang libong piso bilang puhunan sa kanilang negosyo.

Alinsabay ng aktibidad ay isinalin na sa natukoy na benepisyaryo, ang walong (8) Masiglang Kabuhayan na mga tindahan sa pangangasiwa ng Provincial Social Welfare Development Office na pinamumunuan ni Bb. Apolonia David.

Ayon pa kay G. Rebote limangpu’t dalawa (52) na NEGO-KART ang naipamahagi na ng Gobernador at mayroon pang apatnapu’t walo (48) na NEGO-KART ang nakatakdang ipamahagi sa ilan pang bayan ng Palawan sa susunod na mga araw.

Samantala, patuloy pa rin pagtungo ng ilang kawani ng Provincial PESO sa mga Munisipyo upang mamuno sa pagpili ng mga mag-aaral na magiging benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) ngayong summer 2013. Galing na ang kinatawan ng Provincial PESO sa mga bayan ng Rizal, Quezon at Española noong buwan ng Pebrero at sa ngayon ay nasa bayan sila ng Cuyo, Magsaysay at Agutaya kung saan ay tatagal sila hanggang ika-10 ng Marso.

Nagsagawa rin ng Career Guidance and Pre- employment Counselling ang ilang kawani ng Provincial PESO na sina G. Wilfredo Aban at G. Armando Batul sa Araceli National High Schoool at Palawan State University noong ika 26 ng Pebrero sa bayan ng Araceli at sa Dumaran National High School at sa Sta Teresita National High School sa bayan ng Dumaran noong ika -29 ng Pebrero.


RABIES AWARENESS MONTH, ISASAGAWA SA ROXAS

Isasagawa ngayong araw na ito ang paglulunsad ng Rabies Awareness Month bayan ng Roxas. Ito ang napag-alaman mula kay Dr. Carla Limsan, Livestock Inspector II ng Provincial Veterinary Office. Ang tema ng pagdiriwang ay “Responsible pet ownership for a rabies free Palawan”.
Ayon sa kanya, ang okasyon ay magkakaroon ng isang parada sa pangunahing lansangan ng munisipyo at susundan ito ng isang maiksing programa.
Magkakaroon din ng isang Rabies forum na lalahukan ng mga estudyante mula sa elementarya at sekundarya na gaganapin sa Municipal Gym. Sa hapon ay magkakaroon ng Scientific and Consultative meeting para sa mga Municipal Agriculture Officers at Municipal Veterinarians. Ito ay gaganapin sa Morning Star Beach Resort sa Barangay 4 ng bayan ng Roxas. Kaalinsabay rin nito ang pagbibigay ng libreng bakuna sa mga aso.
Tatalakayin sa pulong ang tungkol sa canine rabies, provincial canine rabies situation at ganun din ang human rabies. Magiging tagapagsalita rito sina Dr. Darius Pe Mangcucang, Dr. Benito Del Rosario ng Provincial Veterinarian Office at si Eileen Rose Macabihag, Rabies Coordinator ng Provincial Health Office. Magiging panauhin rin si Dr. Angel Mateo, Chief, Animal Feeds Division ng Bureau of Animal Industry na tatalakay sa Veterinary Regulation of veterinary drugs at si Dr. Fernando Lontoc, Director ng National Meat Inspection Service ng Region IV-B na tatalakay naman sa meat inspection.
Kaugnay rin ng pagdiriwang ng buwan ng kababaihan ngayong Marso magkakaroon din ng rabies awareness campaign para sa mga empleyado ng kapitolyo na ibibigay ni Provincial Veterinarian Dr. Juanito Pio Lledo sa Marso a onse. Magkakaroon din ng libreng pagbabakuna ng aso na gaganapin sa entrance ng kapitolyo sa Fernandez St. sa Marso 15.
Samantala, nakapagsagawa na rin ng Barangay Veterinary Aide Training sa Busuanga, Coron, Araceli at Sofronio Española nitong nakaraang buwan ng Enero at Pebrero. Dito ay nakapagsanay ng umaabot sa isandaang Veterinary Aide ang kanilang Tanggapan.
Nakapagbakuna rin ang kanilang tanggapan sa bayan ng Brooke’s Point para sa hemorrhagic septicemia kung saan nakapagbakuna sa 650 baka, 191 na kalabaw at limang kambing. Umabot sa 355 na mga mayari ng hayop ang nabiyayaan nito.


OBLIGASYON NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA MGA ISKOLARS NITO SA PSU AT WPU, UPDATED

Personal na iniabot ni Governor Baham Mitra ang mga tseke bilang kabayaran sa tuition fee ng mga iskolars ng Pamahalaang Panlalawigan sa Western Philippines University, Palawan State University at mga Extramural Campuses nito sa iba’t ibang munisipyo kahapon ika- 28 ng Pebrero taong kasalukuyan sa Governor”s Conference Room sa gusaling Kapitolyo.

Ang kabuoang halaga na ibinayad ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga iskolars sa iba’t ibang unibersidad sa ilalim ng Provincial Education Enhancement Program ay P20M.

Kasama ni Gob. Baham sa pagsasalin ng tseke sa mga opisyal o representante ng mga unibersidad ay si PIO Daisy Anne P. Atrero hepe ng Provincial Education Enhancement Program. Ang tseke para sa huling semestre ng 2012; unang semestre at para sa mga magtatapos na iskolar sa ikalawang semestre ng 2012-2013 ay tinanggap ni Ms. Julie Evira mula sa WPU Aborlan; Ms. Adelia C. Tiongson-Madriñan mula sa WPU Busuanga at Culion at si Ms. Lorelie Ducado mula sa WPU Puerto Princesa.

At mula naman sa Palawan State University, ang mga tumanggap ng tseke ay sina Ms. Marilou Timbancaya mula sa PSU Roxas, Ms. Nieves Cabuhat mula sa PSU Narra, Ms. Emelyn T. Zambales mula sa PSU Brooke’s Point, Mr. Jonny Bacomo mula sa PSU Cuyo, Ms. Tahima Madtahil mula sa PSU Sofronio Española at Ms. Shyrrel S. Omar na mula sa PSU Balabac.

Samanatala noong araw na iyon ay nagkaroon din ng pagpupulong sa pagitan ni Governor Baham Mitra, kasama si PIO Atrero sa mga School Director representative upang alamin ang kalagayan ng mga matataas na paaralan sa lalawigan at upang bigyang linaw din ang ilang mga isyu patungkol sa programa ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sa kasalukuyan, ang scholarship program ng Provincial Government ang may pinakamalaking bilang ng benepisyaryo na aabot na sa mahigit apat na libong kabataang Palaweño.


2013 - January February   March   April   May   June   July   August   September   October   November   December  

source : PIO